“I wasn’t able to take the exam….. I found out that I was pregnant.”

,

,

0

I graduated last June 20, 2022 and I was supposed to take the LET last March, but I wasn’t able to take the exam for the reason that right after my graduation I found out that I was pregnant. Ang hirap nung una tanggapin ng nangyari kasi andaming nag eexpect na after ko maka graduate mag tetake ako ng exam.

So ayun na nga hindi ako naka pag file nang board kasi kapapanganak ko palang nung January 1, 2023, gustuhin ko man mag take pero hindi ko kaya kasi nag papa breastfeed pa ako at mahirap din makapag review ng maayos kasi nga nag babantay ka ng bata halos kulang ka sa tulog.

Halos mga barkada ko at kaklase nag take ng board so parang na pepressure ako kasi feel ko napag iwanan na ako, ang damo kong “what if’s” plus pa nag po-postpartum ako kung ano2 nalang naiisip na parang feel ko failure akong tao. Pero sobrang thankful ako sa partner ko kasi hindi nya ako sinukuan palagi nya akong kinocomfort at pina pa intindi na may tamang panahon para sa mga bagay.

Fast forward, right after lumabas nung result ng LET last March 2023 na encourage akong mag file ng board for September kasi lahat ng kaklase ko at barkada pumasa, so parang na buhayan ako ng loob na mag take din.

Nung time na nag poprocess ako for online registration nagkamali ako sa pag fillout ng name ko, so ayun na naman nag overthink naman ako na baka sign na to na hindi ako makapasa pero gumawa ulit ako ng isang account and this time inisa isa ko na talaga lahat ng info na finifillout ko if may mali ba or what and ayun nakapag file na nga ako ng appointment.

Then pagpass nung requirements sa PRC office kinakabahan ako kasi ako lang mag isa wala akong ka alam2 kung anong gagawin, nilakasan ko nalang talaga loob ko mag tanong2 and ayun natapos ko din.

So review moments na ako kasi malapit na yung board eh, ang ginagawa ko dinadala ko yung baby ko dun sa bahay ng tita ko para pa bantayan at makapag review ako. Hindi ako araw2 nakaka review kasi nga may anak na, minsan gabi na ako nakaka time mag review pero sandali lng kasi nga antok na rin.

1 week before nung exam dun na talaga ako nag review ng mabuti kasi nga kakaunti lang yung mga nabasa ko at hindi lahat kaya kong ememorize. Basta prayers nalang talaga kinakapitan ko nung time na nag take na ako nang exam, everytime na may item akong nababasa at hindi ko alam ang sagot pinipikit ko lang mata ko at sinasabing “Help me God”.

At sa awa nang Diyos naka pasa ako. Sa lahat po ng kukuha nang LET wag kayong makalimot humingi ng tulog sa Maykapal, mag dasal palagi at tayo ay gagabayan.

KARLA MAE H. SALAVIA, LPT
September 2023 Licensure Exam for Teachers

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

📌 Follow our page for more inspiring stories
Share you story here: m.me/boardexams.com.ph

#BoardExamsPH #BoardPasser #SuccessStories

Facebook Pages:

Facebook Groups

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed