“Lord, ipasa mo ko please para kapag teacher na ko hindi ko hahayaang may ma bully na bata sa school”. 🙏🏻🥺
Tuwing nagdarasal ako simula nung nag review ako until matapos ang board exam yan ang lagi kong sinasabi, sabi nila mas diringgin ni Lord kapag nagdarasal ka hindi para sa sarili mo, kundi para sa ibang tao. At ito nga pinakinggan ng Diyos 😭❤️
Back in my elementary days, I was bullied and left behind. Kapag tinatanong ako ng ibang tao bakit na repeater ako nung elementary ang sagot ko lagi “kasi tinatamad ako mag aral dahil wala akong mama” little did they know I was bullied, hindi ko kinaya yung pambubully sa akin kaya pinili ko na lang tumigil. Kaya siguro pinunta ako sa propesyon na ‘to para kapag nag turo na ako hindi ko hahayaang may ma bully na bata sa paaralan, dahil alam ko ang feeling ng nabubully at naleleft behind. Ibang level ang naging impact nito sa buhay ko, yung mga nambully sa akin friend ko pa dito sa facebook and ito yung gusto kong makita nila na yung dating binully nila teacher na, at hindi ko hahayaang madami pang bata ang kailangang tumigil at ayaw pumasok dahil sa pambubully ng iba. 😔
I was once an accountancy student pero pinunta ako ni Lord dito (Education), wala akong hilig sa mga bata, may stage fright ako at hindi ko alam kung anong plano Niya, until nag PT ako, napamahal ako sa mga students, na enjoy ko ang pagtuturo and I realized that maybe because I was once bullied so He make me an instrument para wala nang batang mabully once na teacher na ako. 🫶🏻
Lord, thank you for directing me into this profession. I don’t know your plans yet but I’m sure, this won’t happen if You don’t permit. Thank you Lord at ako ang unang LPT sa pamilya namin 😭❤️
I wanna take this opportunity to thank those people who tirelessly support me;
To my Papa, I hope I made you proud. I’m sorry if I didn’t fulfill your dream of having a topnotcher daughter but I still fulfill your dream having a teacher daughter. I always pray to God that He gives you healthy and long life para kapag dumating yung araw na successful na ako ibibili ko lahat ng gusto mo, at masuklian ko lahat ng paghihirap mo sa amin. Ito na papa, teacher na anak mo! 😭❤️
To my Ate Ann, I know you’re the proudest person today. I missed you 😭 Thank you for always pushing me to strive hard in life, kung hindi dahil sayo hindi ako magiging lisensyadong guro ngayon. Thank you sa lahat ng sakripisyo mo para sa amin, naging masamang tao ka man sa paningin ng iba, pero hinding hindi ka naging masamang kapatid sa amin. Sana mabasa mo ‘to, alam kong hindi maipinta ang saya mo ngayon dahil may kapatid ka nang guro. I can’t thank you enough for everything. Bumalik ka na dito, gusto kong icelebrate ang tagumpay ko na kasama ka😭
To my Ate Lyn, thank you for supporting me silently. Alam ko proud na proud ka din sa akin ngayon, mas excited ka pa sa akin na lumabas ang result. Naalala ko sabi ko hindi na ko tutuloy mag board exam dahil wala na akong pera, sabi mo ipahiram mo sakin pera niyong ipon na pang binyag ni Cazie 😭 Thank you kasi kahit alam kong walang wala ka din pero you’re supporting me in everything you can! 🫶🏻
To my kuya, thank you sa pag sundo sa akin minsan kahit wala kang ambag sa LPT journey ko hahaha Pakabait ka na!
To Cerezo Family (auntie Joy, uncle Chris, Cj,Chok), thank you po sa buong pagtanggap sa akin. Thank you po sa support, naging malaking support po kayo sa akin sa LPT journey ko. ❤️
To Alyssa and Rhea, thank you sa pag boboost ng confidence ko lagi everytime nadadown ako during my review days. Kayo agad tuamawag sa akin kanina nung may result na. So blessed to have a friends like the two of you!!! ❤️
To my mentors, (Doc Esmenia, Doc Tumomba, Sir Orilla, Sir Gary, and of course CBRC lecturers) Thank you po sa lahat ng naituro niyo. Your passion for teaching and your dedication to my growth has inspired me in ways I cannot put into words. Thank you for shaping my future with your knowledge and care. I’m forever grateful for your guidance. 🫶🏻
To my Alma Mater, PASS College. Thank you for instilling knowledge to me. Thank you sa apat na taon na pag mold sa akin, it is indeed PASS College is my PASSport to success. ❤️
To my Love, thank you for supporting me in everything. Thank you for loving me kahit madalas nakakapagod na kong mahalin dahil sa ugaling meron ako. Ito na, alam ko inaantay mo din tong araw na to, teacher na ko 😭😭😭 Hoping that in many days and trials that I will face in life, I’m still with you. I can’t imagine my life without you. Mahal kita palagi! ❤️
Totoo ngang kapag para sayo ay ibibigay sayo ng Panginoon. Ang kailangan mo lang ay maghintay at maniwala sa Kanya at sa plano Niya para sayo. 🙏🏻🥰
“The Lord will fight for you; you need only to be still.” – Exodus 14:14
CLYDENE ROSE C. MARY, LPT
First and Last Board Exam ❤️
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
📌 Follow our page for more inspiring stories
Share you story here: m.me/boardexams.com.ph
#BoardExamsPH #BoardPasser #SuccessStories
Facebook Pages:
- Board Exams PH
- Board Exams Philippines
- Criminology PH
- Fire Officer Exam PH
- Penology Officer Exam PH
- Napolcom Updates PH
- Agriculture PH
- Civil Service Exam Masterclass
- Civil Service Exam Philippines
Facebook Groups
- PRC Board Exam Updates 2023
- PRC Board Exam Community 2023
- LET EXAM PRC UPDATES 2023
- LET Review 2023 Community
- Civil Service Exam 2023 Community
- Civil Service Exam Review Group 2024
- Civil Service Exam Reviewer 2024
- Civil Service Exam Reviewers 2024
- NAPOLCOM Exam 2023 Community
- Fire Officer Exam 2024 Community
- Penology Officer Exam 2024 Community
- Licensure Examination for Agriculturists 2023 Community
- Criminology Exam 2023 Community
- Criminology PH
- Board Exams PH