Dating fastfood crew, isa nang RN ngayon!

,

,

0

Mama, Nurse na ako!
Papa in Heaven, Nurse na ako!

My journey to become an RN is not easy as I have faced so many challenges in life. To be a Registered Nurse is my childhood dream, and I can’t believe that my childhood self is now very proud of me.
My struggle begins after I graduated Senior High, I take the Entrance Exam in one of the University here in Bicol but I have received a “Below Quota” rating. Pero di yun naging hadlang para di ko matupad ang pangarap ko sa buhay.

Naghanap ako ng Private College na nag ooffer ng Nursing Course na mura ang tuition fee kasi mahirap lang kami and that time nung nabubuhay pa si papa habal-habal lang ang work niya at si mama naman sa bahay lang at may maliit na tindahan na halos kaya lang mag support sa kanila. Ako naman pakatapos ko makahanap ng school nag enroll agad ako ng hindi nila alam mama at papa at nalaman nalang nila nung nag orientation na, si papa ayaw talaga sa gusto kong course kasi alam niya na mahal talaga ang tuition fee.

Para mapatunayan ko na gusto ko talaga maging nurse sa kanila, naging working student ako, nag trabaho ako sa fastfood for 3 years para suportahan ang pag aaral ko, pumasok rin ako sa pag raket raket at pagawa ng mga projects ng mga kakilala ko para may sideline akong pambaon sa school. Naranasan ko ang hirap na halos wala akong tulog lagi kasi may pasok pa ako ng 5am – 3pm sa school tapos work ako ng 4pm – 2am. Sobrang hirap na halos umabot sa point ka gusto ko ng sumuko kasi nahihiya ako minsan sa subject teacher ko na nakakatulog ako habang nag lesson siya. Umabot rin sa point na sinangla ko ang ATM Card ko para makabayad sa tuition fee ko kapag malapit na ang exam at end of semester.

Last year yung pinakang saddest part ng buhay ko ng pumanaw na si papa dahil sa Stroke, grabi ang konsensiya ko kasi wala akong magawa at di ko man lang si papa mabisita sa hospital at maalagaan kasi busy rin ako sa RLE Duty ko para ma complete cases ko. Nabaon kami ni mama sa utang sa pag papa hospital at pagpalibing kay papa. Pero wala na akong magagawa kasi siguro yun na rin talaga ang time niya. Di man lang niya inabutan na maka graduate at makapa pasa ako. Pero tuloy pa rin ang laban habang may buhay kaya mas naging pursigido ako na makapag tapos ng pag aaral.

July 18, 2023 araw ng graduation namin at nabigyan ako ng Leadership Award dahil naging active ako sa mga organisasyon at naging Pioneer-President ako ng RCYC sa school namin…

Malaki pa ang balance ko sa school at nagdadalawang isip ako kung makakapag take ako ng board exam.,pero nagawan ko naman ng paraan at unti unti kong nabayaran ang balance ko sa school at nakapag File nako ng Application ka sa PRC., tamang tama at nakita kong nag post ang TopRank Review Academy ng Free Review sa kanilang Bayanihan Program nag try ako mag enroll at nakapag review pa rin ako kahit 1 month nalang Board Exam na.

Sobrang swerte ko kasi kahit maraming struggles na dumating sa buhay nakaya ko lahat at gulat na gulat ako nung lumabas ang resulta ng Board Exam. SA WAKAS PASADO AKO! Di ko pa malalaman kung di tumawag yung isa sa very supportive na Clinical Instructor and Teacher ko. Napaiyak talaga ako ng sobra at di ko ma explain yung feeling ko na naghalong saya at lungkot kasi nagbunga lahat ng paghihirap ko para sa pangarap ko.

Di ko man ma kwento lahat lahat pero sana sa makabasa man netong kwento ko maging inspirasyon sana lalo na sa mga nursing students rin na nawawalan ng pag asa. Basta lagi niyong tatandaan na kung NAKAYA NGA NG IBA, KAYANG KAYA MO RIN! … KUNG PARA SAYO, IBIBIGAY YAN NI LORD SAYO… Sipag at Tiyaga lang ang puhunan, at ang higit sa lahat ang huwag makalimot sa DIYOS!

JEMAR M. PAMPLONA, RN
November 2023 Philippine Nurse Licensure Exam (PNLE)

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

📌 Follow our page for more inspiring stories
Share you story here: m.me/boardexams.com.ph

#BoardExamsPH #BoardPasser #SuccessStories

Facebook Pages:

Facebook Groups

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed