Ang mundo ng sugal ay isang mabilis na lumalaganap na industriya na nag-aalok ng maraming puwang para sa inobasyon at magandang sahod para sa mga papalarin sa larangang ito. Upang makapasok sa industriyang ito, minsan, magandang ideya ang pagpasok sa isang programang may kaugnayan sa mundo ng sugal at ng paglilibang. Kung nais mong makapasok sa industriya sa Pilipinas, may iilan kang landas na pwedeng tahakin upang makamtan ang iyong minimithi. Heto ang mga pwede mong pagpiliang mga institusyon at programang naghahatid ng espesyalisadong pagtuturo sa larangan ng pangangasiwa ng casino.
Centro Escolar University (CEU)
Nag-aalok ang Centro Escolar University ng programang Bachelor of Science in International Hospitality Management with Specialization in Cruise and Integrated Resort Operations. Nagbibigay ang programang ito ng komprehensibong curriculum na sinasaklaw ang iba’t-ibang aspeto sa larangan ng hospitality, kabilang ang pagpapatakbo ng casino.
PAGCOR Training Center
Ang PAGCOR, o ang Philippine Amusement and Gaming Corporation, ay ang ahensya ng gobyernong tinakdang mangasiwa sa pagpapatakbo ng pasugalan, online man katulad ng 20bet Asia o pisikal katulad ng Solaire. Nag-aalok ito ng kursong pinamagatang Certificate Course in Casino Dealing na nakatuon sa pagpapalago sa kaalaman at kakayanan sa pag-deal sa mga larong pang-casino katulad ng Blackjack, Baccarat, at Roulette. Kabilang sa mga tatalakayin ng kursong ito ay ang pangangasiwa ng mga table game sa casino, ang mga pananagutan ng casino dealer, ang wastong paggamit ng mga kasangkapan ng pagsusugal, at ang mabuting pagbalasa, pag-deal, at pagtrato sa mga pitsa at baraha. Bukod dito, meron ding kursong pinamagatang Leisure, Sports, and Amusement Management Course na nakatuon sa mga estudyanteng nais makatapos sa larangan ng Hotel and Restaurant Management and Tourism. Naghahatid ito ng kaalaman sa industriya ng sugal, kabilang ang mga alternatibong trabaho sa mga casino. Pang-huli, meron ding Diploma in Gaming Management. Ang kursong ito ay nakatuon sa mga nakapagtapos na ng kolehiyo, na ipinagsasama ang kaalamang pangteorya at ang pagtuto sa karanasan.
Holy Angel University
Ang Holy Angel University ay isang pribadong Katolikong unibersidad sa Angeles City, Pampanga. May alok itong Bachelor of Science in Hospitality Management kung saan maaari mong kunin ang mga espesyalisasyon katulad ng pagiging dealer sa casino, host, pit boss, manggagawa, o kahera.
Far Eastern University
Ang Far Eastern University, sa pamamagitan ng Institute of Tourism and Hotel Management nito, ay naghahandog ng mga programang Bachelor of Tourism and Hospitality Management: Naghahatid ang mga ito ng matatag na pundasyon sa hospitality at tourism na alinyado sa mga pamantayang pandaigdig.
Lyceum of the Philippines
Ang Lyceum of the Philippines University-Manila (LPU) College of Technology ay kamakailan lamang ay inakap ang mabilis na lumalagong industriya ng esports (na siyang may kaugnayan sa pagsusugal) sa pamamagitan ng pagtatag ng Bachelor of Science (BS) in Esports. Naghahatid ito ng masusing pagkakaunawa ng ekosistema ng esports. Kabilang nito ang esports production and management at ang paglikha ng mga laro, na nagbibigay ng mabuting edukasyon na sinasaklaw ang mga aspetong teknikal at estratehiko ng industriya ng gaming.
Wakas
Ang mga institusyong tinalakay sa tekstong ito ay maiinam na simula upang makapagtapos sa isang kurso na nagpapahintulot ang pagkakasangkot sa industriya ng casino sa Pilipinas. Mula sa maiiksing kursong hatid ng PAGCOR hanggang mga programang batsilyer, lahat ng mga tinalakay na institusyon dito ay may kanya-kanyang pamamaraan upang sanayin ang mga estudyante para sa isang karera sa larangan ng sugal. Sana’y magsilbi itong bilang gabay para sa mga Pilipinong nais magpursige sa bumubulusok na sektor ng industriya na ito.