“Ayaw ko ipaalam sa pamilya ko… Natatakot akong ma-disappoint sila…..”

,

,

0

Hi, Year 2018 nag kakaroon pa ako ng hesitation kung itutuloy mag aral, dahil ang gusto ko na lang that time is maka pag provide para kila mama at papa. Alam ko rin na walang mag su support ng pag aaral ko in case, dahil ang reason ng mga magulang ko nakapag aral naman na ako isang taon sa TESDA , and believe me naiintindihan ko yun. Pero itinuloy ko parin, lumapit ako sa mga government agencies para mag apply ng mga assistance, sa mga relatives ,and with the help na rin ng boyfriend ko, Last August 19, 2022 nakatapos ako ng pag aaral with an award in academic.

August 29, 2022 nakapasok ako as a teacher sa isang Private School, di ako nakapag take ng LET ng September dahil di na ako aabot ng filing at syempre di pa tayo prepared that time, March 2023 di pa rin ako nag take ng LET dahil na rin siguro sa takot, kaba lahat na nag halo halo na. A day before mag end ang filling for September LET Examination, nag karoon na ako ng courage and nag file na ang nakaka alam lang is yung mga ka work, boyfriend at ilang piling tao lang, ayaw ko ipaalam sa pamilya ko, Bakit? Natatakot akong ma-disappoint sila dahil grabe na rin yung pressure sa part ko that time.

One month before the examination doon palang ako nag simulang manuod ng mga drills ni Sir Melvin sa youtube, isinabay ko ang masters, pag tuturo, pagiging SK, at panunuod ng drills ni Sir Melvin at syempre prayers na sana bigyan ako ni God ng strength physically, mentally dahil sobrang pagod na ang katawan at isip ko that time, wisdom na maipasa ang Board Examination and let his will be done ni my life.

The Day of Examination, sobrang kaba ko kasi halos lahat ng mga kasama ko sa room pinag uusapan yung mga review center nila. Bago mag start mag exam, I prayed so hard for his presence and guidance. Nang inabot na ng proctor yung examination paper namin, ewan ko pero nawala lahat ng kaba na naramdaman ko.

And now, mag papaskong LPT na ako. 🀍 Iba pala sa pakiramdam pag sinurrender mo kay God lahat , mag tiwala ka sa kanya , because God’s plan is better than our planπŸ«ΆπŸ˜‡πŸ™

RICALYNN GRUSPE REYES, LPT
September 2023 Licensure Exam for Teachers

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

πŸ“Œ Follow our page for more inspiring stories
Share you story here: m.me/boardexams.com.ph

#BoardExamsPH #BoardPasser #SuccessStories

Facebook Pages:

Facebook Groups

Follow us on Facebook and Twitter for the latest updates!Β 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed