“Hindi hadlang yung wala kang pera pangbayad sa mga review center…..”

,

,

0

Actually I’m not the one who passed the LET, my husband Evan Cloyd Agtarap, LPT ☺️❤️ (BS in Secondary Education Major in Mathematics)

I’m very very proud lang, ok lang kahit hindi ito ma-feature haha basta proud lang ako ☺️

Working sa isang BPO company si husband, to be honest ayaw nya mag-take ng exam dahil baka hindi daw sya makapasa, pero napapayag din namin.

Dahil busy kami parehas sa work, mas pinili nyang sumama sa inoffer ng school namin na free review, dahil ayaw din nya gumastos sa mga review center. Hatid sundo nya ko sa work sa Makati while WFH naman sya dto sa Taguig, kapag out nya sa work ng 6pm diretso sya sa Makati para sunduin naman ako, habang pauwi kami while driving naman sya (Motorcycle) naka-headset or naka loud speaker yung cp nya while I’m holding his cp, technically naririnig nya lang yung discussion kasi nagda-drive sya at ako naman ang nakakakita kung paano i-explain at i-solve ng prof nila yung topic (disclaimer: hate ko ang math kaya madalas nakaka-idlip ako sa byahe buti natapos ang review nila na hindi ko nahuhulog cp nya😅)

Sumasakto namang pagkauwi namin tapos na online review nya nagpapaalam at nagbibigay na lang ng tips yung prof nla kung paano makakapasa sa exam, laging ganon ang scenario namin, madalas din cancelled yung online review nya dahil nga sa libre hindi sya pwedeng magreklamo, nanghiram lang din sya ng books at scientific calculator sa kakilala nyang nakapasa din sa board.

September 10 saktong Sunday at birthday nya, sinigurado naming makakapag-simba kami hindi lang dahil birthday nya kundi para humingi ng gabay sa Diyos para sa exam nya. Bumili kami ng maliit na rosary at monggol pencil na gagamitin nya sa mismong exam, pina-bless namin after mass, exam day nilagay namin yung blessed rosary sa pocket nya ☺️

Tips? Siguro hindi hadlang yung wala kang pera pangbayad sa mga review center dahil maraming paraan, iwasan ung pagiging pessimistic kahit in doubt ka laban lang ☺️ at ang pinaka-mahalaga magdasal at humingi ng gabay sa Diyos kasi alam nya at ibibigay nya ang para sayo ☺️

EVAN CLOYD AGUSTIN AGTARAP, LPT
September 2023 Licensure Exam for Teachers

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

📌 Follow our page for more inspiring stories
Share you story here: m.me/boardexams.com.ph

#boardexamsph #boardpasser #successstories

Facebook Pages:

Facebook Groups

Follow us on Facebook and Twitter for the latest updates! 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed